Article and Photos by Alex Datu

Jake 2 with Watermark“Yes, wala na kami but we remained good friends. Okay pa rin kami, nag-uusap pa rin kami kaya nga wala akong panghihinayang o kahit pagsisisi man lang kasi freinds pa rin kami.  May natutunan naman ako sa aming naging relasyon na ‘pagnagmahal ka, dapat may trust sa isa’t-isa dahil nagiging dahilan ito ng paghihiwalay kapag wala na kayong tiwala sa isa’t-isa.  Kapag nagmamahalan kayo, huwag ikahiya, huwag mahiya satao, dapat ipakita ang inyong pagmamahalan.”  

Kapuso actor Jake Vargas admitted that he received an invitation for the debut of his ex-girlfriend Bea Benene at Manila Hotel last November 3 but what is surprising, he was not included in the 18 roses dance.

“Ako mismo ang pumunta para batiin siyang ‘Happy Birthday’ sabay ang pagbigay ko sa kanya ng isang long stemmed rose.  Hindi lang ako nagtagal, umalis agad kasi wala naman nagsabing kasama ako doon sa 18 roses dance.  Kaya hindi ko alam na dumating pala si Alden. May nagsabi lang sa akin at siya pa daw ang last dance.  Pero hindi naman ako apektado, walang problema sa akin,” clarified the Walang Tulugan mainstay.

We just learned he and Bea parted ways ten months ago after a three-year relationship.  “Pero sa akin, medyo nandoon ang panghihinayang dahil three years is three years kaya lang, napag-isip ko na bata pa ako para maging seryoso sa pag-ibig.  Priority ko ngayon ang family ko, mga kapatid at paano magpundar for the future. Paano ko sisimulan ang bagong life kasi kailangan na po namin mag-mature para narin sa kinabukasan namin,” he narrated.

To sum it all, he has no regret on his break-up instead, he has learned lessons in life. “Kapag nag mahal ka, dapat may trust sa isa’t-isa dahil nagiging dahilan ito ng paghihiwalay kapag wala na kayong tiwala sa isa’t-isa.  Kapag magmamahalan kayo, huwag ikahiya, huwag mahiya sa tao, dapat ipakita ang inyong pagmamahalan,” he added the 22- year-old actor.

Jake was 20 and Bea was only sixteen when they became lovers, but the actor believed that if they are meant for one another, there is the right time for it and it will come.           “Sa pakikipagrelasyon, walang tamang panahon dahil kusang titibok ang puso kapag iibig na pero dapat hindi nga magmamadali kasi mga bata pa naman kami.  Pero depende kasi yan, kung talagang mahal mo talaga ang isang tao, may tamang panahon d’yan. Kumbaga, age doesn’t matter naman po, sa pag-iibigan parang gan’un,” he said.

He did not directly answer the question if there’s a chance for a reconciliation. “Magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon. Sa tingin ko huwag muna mag-lovelife. Stop muna ang lovelife. Sa ngayon, trabaho muna ang inaatupag ko. No, hindi naman disturb ang lovelife kasi inspirasyon po ‘yan eh, sa trabaho kasing nagiging masipag ka.  Pero sang ayon dapat lang na mag-focus muna ako sa trabaho at sisimulan ang panibagong buhay,” he quipped.

Jake 1 with Watermark

As a lover, Jake admitted that he is a caring sweetheart. Although he honestly admitted that the main reason why they broke up was the lack of quality time with each other.

“Kulang kami sa time sa isa’t-isa kasi kung minsang nagkaka-sabay-sabayang projects eh.  Kaya po, napag-isipan ko na masyado pa kaming bata para maging seryoso sa pag-ibig.  Aaminin ko, minahal ko siya pero siguro dumating sa point na hindi pa tamang panahon.  Kung kami talaga, kami talaga.  Siguro pagsubok lang ni God ito para saamin,” he stressed.

But as far as we can recall, it was Kris Bernal whom he was smitten first, “Cute kasi, mabait parang tahimik siya at parang babaeng sobrang gaan ‘pagnakasama ko. Alam niyang crush ko siya, dati pa kasi yun eh. Natutuwalang siya,” he shared.

.      Jake can be watched in Kapuso‘ s Buena Familia daily, but with the Superstar Nora Aunor doing a soap opera with the network, the actor is hoping that he will be given the chance to work with the actress. He claimed that he’s a Noranian.

“Kahit noon pa man ay gusto ko talagang makasama ang Superstar. Kahit paano ay natsa-challenge ako dahil ang galing n’yang artista. Nakaka-star struck siya. May sinabi nanga sa akin si Kuya Germs na parang isa-sama ako sa next project ni Nora pero hind pa sure,” he told this Noranian journalist.

Jake is known as the “Prince of Mall Shows” as claimed by his fans who troop to the mall whenever he has shows.

“Okey naman po, nakakataba ng puso kaya malaki ang pagpapasalamat ko sa kanila. Lalo na doon sa walang absent sa pagpunta ko sa mga malls kapag may show  ako.  May nagkukumpara pa nga sa akin kay Daniel Padilla pero hindi ko na iisip ‘yun.  Trabaho lang po ako at hindi ako nakikipag-compete,” he clarified.

Now that he is a registered voter, we asked him if he has a president in mind. “Medyo mahirap ‘yan pero gusto ko ang kasing-tapang ni Duterte.  Wala siyang takot sa lahat ng tao.  Gusto ko ang programa niya na bibigayan ng bahay ‘yung mga nakatira sa kalye, ‘yung mga nakatira sa kariton.  Sana bigyan silang isang village na doon sila alagaan.  Kaya lang medyo may panghihinayang sila dahil sa balitang hindi na tatakbo si Duterte sa pagka-presidente,” he ended.

Share now!

Comments

comments