Article and Photos By Alex Datu

“Noong nakaraang taon, nang tumanggap siya (Nora Aunor) ng Gusi Award, nand’un ako at sinuportahan ko siya.Sinabi niya sa akin nasusuportahan niya ako.’Yung masabi niya na susuportahan ako ay okay na ‘yun. Ayaw ko naman siyang i-remind kasi alam mo na manang schedule ng artista, lalo kung medyo madami kang trabaho, deretso ang taping, kukunti lamang ang tulog.  Mahalaga nasa akin ‘yun susuportahan niya ako, ‘yung malagay lang sa dyario na susuportahan ako, malaking tulong na ‘yun.”

Yul Servo

Manila City Councilor, Yul Servo, is still hoping that the support promised to him by Ms. Nora Aunor in his candidacy for a congressional seat in Manila will still be fulfilled.  They have worked in Naglalayag, Dementia and  a TV show. So, there is already a rapport between them.  Thus, it was not hard for him to ask a favor from the Superstar to support his political quest..

During his early years as councilor of Manila, they went to Quiapo to visit a constituent in grieve because of the death of her son.  He was with other councilors. And when the grieving mother saw him, she stopped crying and instead, jumped with joy because a movie star visited them.

“Madalas ako sa TV noon at nagulat ako, napatalon siya sa tuwa at tumigil sa pag-iyak.  ‘Yun pala, fan siya ni Nora Aunor, ” Yul recalled. “Usually kapag nakikita akong mga Noranians nagugustuhan nila ako dahil sa pelikulang Naglalayag. Kaya nagpasalamat ako na nagagamit ko ang pagiging artista ko para mabawasan ang kanilang pighati kahit na ilang sandali lamang. Dati ayaw kong pumunta ng patay eh, kasi nagiging pictorial ‘yung lamay dahil nagkakagulo pero ngayon naman, 90% lahat ng patay ay iniikutan namin.”

In this coming national elections, Yul  is running for a higher position and t chosen by Partido Masang Pilipino by Mayor Joseph Estrada and Asenso Manileno by Vice Isko Moreno, and this is based on the survey where he tops the other congressional bets. “Malaking karangalan na ako ang napiling dalawang partido kaya, ipagpapatuloy ko pa rin ang nasimulang plataporma ko bilang konsehal.  ‘Yung sa senior nabibigay natin silang ATM card para hindi na sila mapagod pumunta sa City Hall at ang mga kabataan natin tuturuan natin silang information on technology kasi malaki ang kita dito,” he shared.

He remembered last year, he was able to make an ordinance that all food in the fast food and restaurant must have an attached ‘nutritional facts.  “Di ba kung bibili kang mga pagkain, may nakalagay d’un sa likod na nutirional facts ng pagkain. Gagawin ‘yun ng mga restaurant at fast food na may 10 pataas ng mga produkto.  Pasado na ito at kailangan na lang ang implementation at may multa na P5,000 ang hindi susunod. Kailangan maging health conscious.  Actually, ngayon marami nang lumalabas na mga sakit, minsan kinakain natin bawal na pala sa atin pero kain pa rin tayo ng kain,” he stressed.

West Side Story actor Yul already thought of this concept when they where in New Jersey shooting for the said movie.  It so happened that one of their staff had a diabetes.  “Lahat ng kanyang bibilhing pagkain ay tinitingnan muna niya ang nutritional facts kung mataas ang sugar content o hindi.  Atleast na-maintain niya ‘yung kinakain niya and alam kung anong bawal sa kanya. Eh, dito sa atin, kain na lang ng kain, kung ano pa ‘yung masarap, ‘yun pa ‘yung kinakain.  Kaya napag-isipan namin ng opisina na gumawa ng ordinansa sa nasasakupan ng siyudad ng Maynila na kung ano po ‘yung 10 produktong restaurant at pataas ay sakop po sila,” he explained.

If given the chance to win a congressman seat, Yul will still pursue with his showbiz career but he can’t give his 100% to it.  “Noon kasi pag-artista lang ang ginagawa ko eh, itong ang konsehal ako, Tuesday at Thursday hindi na ako puwede dahil sa trabaho ko dito sa City Hall.  Alam naman ‘yan ni Direk Maryo delos Reyes kaya kung bibigyan niya akong trabaho ay kailangan tutugma sa schedule ko,” he said.

At this point he shared what he had accomplished as a councilor, together with his co-councilor Lou Veloso and Vice Isko. They were able to decrease the tax in Filipino films shown in Maynila. “Biruin mo, ang kumikita lang kasi sa atin ‘yung foreign movies lang, kung hindi ka malaking kompanya tulad ng Star Cinema, hindi ka kikita ng gan’un kalaki maliban lang kung matiyempuhan mo ‘yung tulad ng Heneral Luna, kumita sila,” he shared.

“Ngayon, gagawa tayo ng paraan kung paano natin mahikayat ang ating mga producers na gumawa ng maraming pelikula dahil ang pelikula ay ang kaluluwa ng ating bansa.  Puwede ‘yung bawasan ng tax at marami pang solusyon na puwedeng gawin kung paano matutulungan ang ating industriya,” he added.

As an actor-turned-politician, Yul is happy that people are now more open to support people from entertainment to serve as public servants, provided they have already proven their worth.  “Di ba maraming tumatakbong artista, sabi nila artista lang ‘yan at walang magagawa, pero pumili kayo ng artista na namumuno na hindi maganda ang kanilang pamumuno di ba, wala?  Ikumpara mo ang mga artista sa mga abogado at iba pang nakapagtapos sa best universities, here and abroad, iba pa rin ang pamamalakad ng mga artista siyempre, mga artistic ‘yan di ba?” he pointed out.

Councilor Yul confessed that after congressman, he doesn’t aim for a higher position. Whatever path, wherever he could serve his best, he will always follow what God wants him to do.  “Sabi nga, puwede ka naman maglingkod kahit wala ka sa pulitika pero iba pa rin ‘yung nasa pulitika ka katulad noong may gusto kang gawin hindi mo magagawa kasi wala kang power.  Ang matutulungan mo lang ay itong sektor na lang at hindi ang buong Maynila,” he shared.

And lastly, he admitted that in showbiz, you can earn as high as one million or more talent fee but as a public servant, it’s just a minimal wage. “Laki ang kita ko sa pag-aartista kumpara sa pagiging politician kaya kung may hihingi ng tulong noon, malaki ang naibibigay ko, umaabot ng thousands.  Di tulad ngayon, lahat naka-budget. Dati libo pero nang naging konsehal ako, naging three hundred lang. Pero sa mga nasasakupan namin, hindi mahalaga ‘yung pera, ang mahalaga sa kanila, ‘yung presence mo eh.  ‘Yun ang nakakapagsaya sa kanila, maski mahirap o mayaman,” he ended.

Share now!

Comments

comments